Tula Alay Sa Minamahal
Mahal kong Ama Mahal kong Ama,
salamat sa iyong pag-aaruga
Sa iyong pag-aalaga,
sa iyong pag-kalinga. Mahal kong Ama,
haligi ng pamilya
masipag kang tunay,
nawa’y pahabain ng Maykapal ang iyong buhay. Sa iyong dugo, luha at pawis
lagi mong tinitiis
ang init, pagod at hirap
upang matupad ang aming pangarap. Mahal kong ama,
Ordinaryo ka sa mata ng iba,
ngunit sa ating pamilya,
talagang bayani ka. #Art #Poetry